top of page
Pokwang.jpg

Lapena vs. Mangaong tuloy sa korte

Gina Pleñago
Nov 24, 2018
1 min read

KASONG libel ang isi­n­ampa sa Taguig City Prose­cutors Office ni dating Bu­reau of Customs Commis­sioner at ngayon ay Techni­cal Education and Skills De­velopment Authority (TES­DA) Director General Isidro Lapeña laban kay da­ting Customs X-ray Inspec­tion Project Chief Atty. Ma. Lourdes Mangaoang kaha­pon ng umaga.

Alas-10:30 ng umaga nang isampa ni Lapeña ang kasong libel at slander sa tanggapan ni Taguig City Pro­secutor Princess Rox­anne Sucor.

Nag-ugat ang pagsasam­pa ng kaso laban kay Man­gaoang matapos sabihin nito sa isang interbiyu sa media na protektor umano si La­peña ng iligal na droga.

Ani Lapeña, walang ka­totohanan at pawang mga gawa-gawang istorya na wa­lang basehan ang inilabas nito sa media.

Samantala, kasama ni La­peña ang kanyang tatlong abogado nang magsampa ito ng kaso.

“Hindi po ako na-in­volve sa anumang isyu ng droga, kahit kailan at wala akong anomalyang gina­gawa” giit pa nito.

Hinamon niya si Man­gaoang na sagutin na lamang ang kasong isinampa niya sa tamang forum para mala­man kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Unang sinabi ni Man­gaoang na tinagurian ding whistleblower, hindi siya ka­sapi ng anumang sindikato na umano’y tumatrabaho laban kay Lapeña.

Iginiit nito na may la­mang iligal na droga ang apat na magnetic lifters na nadis­kubre sa GMA, Cavite na si­nasabing nagkakahalagang P11 billion.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page