LADY CHIEFS, BUWENAMANO VS. BOMBERS SA NCAA VOLLEYBALL


DUMAAN sa butas ng karayom ang Arellano University bago kinalos ang Jose Rizal University, 25-15, 25-22, 25-22 kahapon sa 94th NCAA women’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Nagtulungan sina Season 93 Rookie of the Year Necole Ebuen, Carla Donato at veteran Regine Arocha para sa Arellano upang ilista ang unang panalo ngayong season.
Matapos humarurot sa opening set, biglang nabigyan ng magandang laban ang Lady Chiefs sa second at third frames, ipinakita ng Lady Bombers ang kanilang tikas.
Tumikada si last year’s Finals MVP Regine Arocha ng 11 points para sa Arellano University na target ang second straight crown at fourth overall.
Para kay AU head coach Obet Javier kulang pa ang ipinakita ng kanyang mga bataan hindi pa ito masyadong na-impress. “Kung titingnan natin talagang bago na ang team ko ngayon eh. Kumbaga kailangan talaga naming mag-practice ng husto kasi bago ang middle, so malaki pa ‘yung dapat naming punan, marami pang puwedeng gawin,” ani Javier.
Kumana si Nicole Ebuen ng 10 puntos habang kumayod si Sarah Princess Verutiao ng 22 excellent sets para tulungan ang Legarda-based school sa panalo.
Bukod sa women’s side, nagpakitang-gilas din ang Arellano University men’s at junior’s division. Inirehistro ni Christian dela Paz ng 14 points kasama ang 11 spikes para sa Chiefs na target din masilo ang korona. (ATD)





Comments