top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Hustisya sa Maguindanao massacre, malapit na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2018
1 min read

MAKALIPAS ang siyam na taon, malapit na raw ibaba ang desisyon sa kasong may kaugnayan sa Maguinda­nao massacre.

Sa unang quarter ng taong 2019, inaasahang ma­ila­labas na ang desisyon ng korte sa kaso.

Kung saan mismong ang mga respondent na umano ang humiling sa korte na i-promulgate na ang kaso.

Sa wakas, mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng 58 ka­tao. Halos dekada nang sumisigaw ang kanilang pamilya ng katarungan at umaasa na kahit mabagal, darating din ito.

Hindi maitatangging isa lamang ang Maguindanao massacre sa marami pang karumal-dumal na krimen na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyang-linaw.

Hanggang ngayon ay wala pa ring napananagot.

‘Yung ibang salarin, nabubuhay nang normal, nagpapakasasa sa kalayaan at lalo pang naging masagana sa buhay.

Habang ang kanilang mga biktima, nabaon na sa hukay, na­baon pa sa limot.

Ito ang isa sa masaklap na katotohanan sa usapin ng kayama­nan at kapangyarihan.

Madalas, kahit mayaman ka na at kilala kung ang kalaban mo ay mas mayaman at mas may pangalan, mailap din sa‘yo ang katarungan.

Gayunman, patuloy tayong umaasa na magbabago rin ang takbo ng kasaysayan.

Maparurusahan ang mga gumagawa ng masama at mabibiya­yaan ang mga inapi.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page