Huli sa akto ng ina | 9 YRS. OLD NIREYP NG LOLO
KALABOSO ang 74-anyos na lolo matapos umano nitong gahasain ang 9 na taong gulang na babae sa bahagi ng Tayabas City.
Kasamang dumulog sa pulisya ang ina ng biktimang si alyas Charisse, upang magsampa ng reklamong panggagahasa sa suspek na si alyas Jr.
Pasado alas-4:00 ng hapon, pumasok umano ang suspek sa bahay ng biktima at kinausap pa nito. Ilang saglit pa nang dinala siya sa silid at doon ginahasa.
Eksakto namang pumasok ang ina ng biktima at nakita sa akto ang ginagawang kababuyan sa anak.
Sa tulong ng mga opisyal ng barangay, agad dinakip ang suspek at dinala sa presinto.





Comments