Hirit ni Duterte | MGA PARI, PAYAGAN NANG MAGPAKASAL

INIREKOMENDA ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan na rin na magpakasal ang mga pari o lider ng Simbahan.
Sinabi ng pangulo na wala namang pagkakaiba sa kanya ang mga pari dahil ilan sa mga miyembro nila ay may mga asawa at anak din na mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang relihiyon.
“Bakit discrimination? Ibig sabihin mo lang kasi nakapag-aral, nakapag-asawa ka na o dalawa. Ibig mong sabihin, hindi mo na ako papasukin kasi dalawa ang asawa ko, iyon lang isa? Eh, ‘di ang mga papasok doon… eh, ‘yung mga pari may mga anak pati Obispo, tabla,” ani Duterte.
“Kaya stop this practice of… dapat makapag-asawa na kayo at humabol kayo sa akin. Nakadalawang asawa ako pati apat na girlfriend. That is why I am suffering now,” biro pa ng pangulo.
Una nang bumuo ang Punong Ehekutibo ng four-man panel para sa dayalogo sa Simbahang-Katolika at iba pang religious groups kasunod ng mga naging patutsada niya sa Diyos, ang creation story sa Bibliya at ang konsepto sa orihinal na kasalanan ng tao.





Comments