BF, selos na selos… JAMES, NAHULING MAY KA-DATE NA IBANG LALAKI SI NADINE
- BULGAR

- Nov 24, 2018
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

HINDI naman napigilan ni James Reid na mag-post ng kanyang pagkaselos dahil namataan niyang magkasamang magka-‘date’ ang kanyang girlfriend na si Nadine Lustre at ang matalik niyang kaibigang si Sam Concepcion.
Makikita sa Instagram story na ipinost ng actor-singer ang pag-uusap nina Nadine at Sam sa loob ng isang restaurant, na sinundan ng pag-focus ni James Reid sa kanya, na makikitang naka-sad face.
Si Sam ang bagong leading man ni Nadine para sa pelikulang Indak na ididirek ni Paul Basinilio.
Gayunpaman, inamin naman ng dalawa na hindi nakakaapekto sa relasyon nila ang ‘di nila pagsasama sa mga projects at pelikula.
Ang huling pelikulang pinagsamahan nila ay ang Never Not Love You na idinirek ni Antoinette Jadaone. Pagkatapos nito ay nag-focus na muna ang dalawa sa pagbi-build up sa kani-kanyang career at paggawa ng pelikula na iba ang kanilang ka-love team.





Comments