Wala raw makitang trabaho | LOLO NAGTINDA NG SHABU, KULONG
Alvin Murcia
Nov 23, 2018
1 min read
SA kawalan umano ng trabaho kaya naisip ng isang lolo na magtinda ng shabu ngunit, sa kulungan ang bagsak nito nang mahuli ng mga pulis sa isang buy-bust operation sa Mandaluyong City.
Sa ulat ni Senior Supt. Moises Villaceran, Jr. kay Chief Supt. Bernabe Balba, isinagawa ang operasyon sa Bgy. Addition Hills.
Arestado ang suspek na si John Rupisan, 58-anyos.
Nakumpiska sa suspek ang apat na pakete ng shabu at P200 buy-bust money.





Comments