Sakay ang isang cong., 11 iba pa | HELICOPTER BUMAGSAK
BUMAGSAK ang isang military helicopter sakay ang isang mambabatas habang inihahatid ito sa isang aktibidad sa Capas, Tarlac.
Batay sa nakuhang impormasyon mula sa Northern Luzon Command (NolCom), sa bahagi ng Sitio Durungawan, Bgy. Sta. Juliana, Capas, nag-crashed-landed ang twin-engine Sokol military helicopter (tail number 923) alas-3:55 kahapon ng hapon.
Nasa 12 ang sakay ng chopper na pawang mga nasugatan kabilang ang pilot in command na si Philippine Airforce Major Delos Santos, ang co-pilot nito na si 1st Lt. Cabanayan at si Coop-Natco Representative Anthony Bravo.
Dinala ang mga nasugatan sa iba’t ibang ospital sa Clark Airfield sa Angeles, Pampanga at sa Camp Aquino Station Hospital saTarlac City.
Ayon kay Nolcom Commander Lt. Gen. Emmanuel Salamat, nakatakda na sanang lumapag ang chopper nang magkaproblema at bumagsak sa bangin.
Lumalabas sa report ng Nolcom na maghahatid sana ng ilang mga staff ng Senate at House of Representative kasama si Anthony Bravo para sa isang Legislative Stakeholder Engagement activity sa Tarlac nang bumagsak ang chopper.
Iniimbestigahan pa ng AFP ang dahilan ng insidente.





Comments