Pinana ng tribu, kano dedo
Jersey Sanchez
Nov 23, 2018
1 min read
NAPATAY ng isang grupo sa isang remote island sa Indian Ocean ang isang American national na kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad.
Ang biktima ay dinala ng mga mangingisda sa nasabing isla at pinana ng mga kasapi ng tribu at iniwan sa dalampasigan ang bangkay nito.
Kinilala ang nasawi na si John Allen Chau na nais magpalaganap ng Kristiyanismo sa tribu.
Samantala, ayon sa awtoridad, ipinagbabawal ang pakikipag-ugnayan sa mga indigenous Andaman tribe.





Comments