Pagod na ako ni: Aling Toyang

Paggising sa umaga, almusal ko ay handa na.
Papasok sa eskuwela o kaya’y sa opisina.
Pagod na ako, kailan kaya ako makapagpapahinga?
Kung walang baon o suweldo baka ako’y tumigil na.
Late ng natulog, pero maagang nagising,
ang sakit ng aking ulo dahil sa lintik na gin.
Gusto kong matulog ng buong araw,
pagbigyan n‘yo na ako na masilayan ang Haring Araw.
Oh, bakit ganito paulit-ulit na lang ang eksena?
Walang bago kasi ako’y nagsasawa na.
Maaliwalas na paligid gusto ko nang masilayan,
halika na’t mamahinga tayo sa dalampasigan.
Pagod na ako, gusto ko nang magpahinga,
kaya lang, paano ang aking pamilya?
Saan sila kukuha ng pera, kung ako
ay tuluyan nang tumigil at namahinga?
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments