top of page
Pokwang.jpg

Lola dedbol sa aksidente

Pabs Hernandez III
Nov 23, 2018
1 min read

AKLAN—Isang 66-anyos na lola ang namatay nang aksidenteng mabangga ng van, kamakalawa sa Bgy. Ondoy, Ibajay sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Rosalinda Silva, nakatira sa nabanggit na bayan.

Nabatid na naglalakad umano sa gilid ng kalsada si Silva nang aksidente itong mabangga ng van na minamaneho ni Arsenio Moises, residente sa nasabing lalawigan.

Dinala pa ng mga saksi si Silva sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Moises.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page