top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

LEBRON JAMES AT WESTBROOK, SINIPA ANG CAVS AT WARRIORS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2018
  • 1 min read

HINDI napigilan ang pananalasa ni LeBron James kahit pa nasa Cleveland ito dahil iniangat pa rin niya sa laro ang Los Angeles Lakers laban sa Cavaliers, 109-105 sa NBA game kahapon. Tumanggap muna si James ng tribute at standing ovation bago ang laro. Impresibo ang pinakawalang 32 puntos at 14 rebounds niya sa tanging regular season ng Lakers sa Cleveland.

Burado na sa Lakers ang 9 na puntos na pagkaiwan sa ikaapat na peryodo at dumiretso sa panalo. Mula kay JaVale McGee ang tiebreaking layup mula sa pasa ni Lonzo Ball at makalamang ang Lakers sa 105-102. Tatabla pa sana ang Cavs sa nalalabing segundo, pero sumablay ang tres ni Kyle Korver sa natitirang 17 segundo.

Samantala sa iba pang laban, kuminang ang unang triple-double ni Russell Westbrook para idiretso sa panalong 123-95 na pananambak ng Oklahoma City Thunder sa Golden State Warriors.

Minalas pang maisakay sa stretcher si Thunder rookie Hamidou Diallo nang bumalibag ito sa sahig pagkabangga kay forward Jonas Jerebko ng Warriors. Mabuti naman at hindi malala ang kanyang injury batay sa X-rays sa kaliwang tuhod. May 11 points, 13 assists, at 11 rebounds si Westbrook nang mangibabaw sa Thunder, na sinegundahan naman ni Paul George sa 25 points. Ang defending NBA champions ay may 27 points mula kina Kevin Durant at Klay Thompson, bu­kod sa season-best na 14 rebounds ni Du­rant. Apat na ulit na itong pagka­talo ng Golden State sa halos anim na taon. (MC / ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page