top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

"Freedom of expression" ng seryeng 'Ang Probinsyano', 'di tanggap, 'pag si

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2018
  • 2 min read

NAGKAROON ng dayalogo sa pagitan nina Coco Martin, mga ehekutibo ng ABS-CBN, PNP at DILG para pag-usapan ang palabas na “Ang Probinsyano.” Matatandaang, sinita ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang serye dahil sa masamang pagsasalarawan sa PNP. Sa madaling salita, hindi umano nagustuhan ng PNP ang direksiyon nito kaya nag-usap sila.

Mukhang sa Pilipinas lang nangyayari ang ganito. Una, ang palabas ay kathang-isip lamang at hindi batay sa mga totoong pangyayari kaya hindi dapat apektado ang PNP sa anumang direksiyon ng palabas. Pangalawa, may “freedom of expression” tayo sa bansa na hindi dapat isinasailalim sa kontrol ninuman, lalo na ng gobyerno kung ito ang dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipagtanggol ang lahat ng ginawa ni dating PCOO Asec. Mocha Uson, ito rin ang dahilan para ipagtanggol ang palabas. At may mga insidente sa tunay na buhay na sangkot ang kapulisan sa krimen o masamang gawain. Kaya, ano ang isyu nila? Hindi ba, mas mahalagang linisin ng PNP ang kanilang hanay imbes sitahin ang isang palabas sa TV?

◘◘◘

Pinag-uusapan nang husto ang mga kasun­duang nilagdaan nina Chinese President Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte. Dala­wampu’t siyam na kasunduan ang nilagdaan ng dalawang lider ng bansa, partikular ang “joint exploration” ng dalawang bansa sa paghahanap ng langis at natural gas sa karagatan. Memorandum of Understanding (MOU) pa lang ang nalalagdaan at magkakaroon pa ng opisyal na kasunduan na lahat ng detalye ay doon ilalagay.

Pero, nababahala na rin ang ilang senador at mambabatas sa nilalaman ng MOU dahil baka masya­dong dehado ang bansa. Pero, nagbigay ng katiyakan si DFA Sec. Teodoro Loc­sin na siya ang gumawa ng MOU at hindi dehado ang bansa. Gayunman, mas maganda kung makikita ng publiko ang nilalaman ng MOU para maipakitang walang itinatago ang gobyerno. Siguradong may mga isyu ‘yan, lalo na kung sa mga karagatang pinaglalabanan ng ilang bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page