top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bebot na dehins knows kung ititigil na ang pagbabanda dahil naaapektuhan na ang regular na trabaho

  • ROMA AMOR
  • Nov 23, 2018
  • 1 min read

Dear Roma,

Ako si Kaycee, 23 years old at graduate ng kur­song BS Business Administration. Nagtatrabaho ako bilang marketing assistant sa isang shipping agency. Okay naman ang suweldo ko pero, kung minsan ay nagpe-perform ang banda namin sa mga maliliit na event at coffee shop. Hindi na kami madalas mag-perform kumpara noong college kami dahil ang iba sa amin ay may mga trabaho na. Sa totoo lang, naa­apektuhan ang trabaho ko dahil kapag late na akong nakakauwi sa gabi, ay nale-late rin ako sa tra­baho at minsan ay may nagagawa akong mali. Ano ang ma­ipa­payo ninyo sa akin? Maraming salamat! — Kaycee

Kaycee,

Nakahahanga ang mga katulad mo na nabibigyan pa ng oras ang hilig mo kahit na may trabaho ka na. Maipapayo namin sa’yo na sa tuwing magpe-perform kayo ng banda mo, eh, ihanda mo ang sarili mo sa po­sibilidad na ma-late ka ng uwi kaya naman kung may libre kang oras tulad ng biyahe pauwi, eh, subukan mong umidlip nang sa gayun ay makapag-ipon ka ng energy para sa iyong trabaho, kinabukasan. Hiling namin na kayanin mo pang pagsabayin ang iyong pagtatrabaho at pagpe-perform sa mga event. Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page