top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Agawan ng pasahero | TRIKE DRIVER TINADTAD

Mylene Alfonso
Nov 23, 2018
1 min read

ISANG 41-anyos na tricycle driver ang nasa malubhang kalagayan nang pagsasaksakin ng kapwa niya tricycle driver dahil sa agawan ng pasahero sa San Andres, Manila.

Ginagamot sa ospital ang biktimang si Joel de la Cruz, binata, ng Bgy. Victoria, Dasmariñas City, Cavite, habang naaresto naman ang suspek na si Joel Nollas, 29, ng Osmeña Highway, San Andres Bukid.

Ayon kay P/Supt. Igmedio Bernaldez, alas-7:45 ng umaga, kapwa nasa pila ng tricycle ang biktima at suspek nang may dumating na pasahero.

Nauna umano si Nollas sa pila subalit, kay Dela Cruz sumakay ang pasahero na nauwi sa pagtatalo hanggang sa undayan ng saksak ng suspek ang biktima.

Ilang kapwa tricycle driver ang nagdala sa PGH sa biktima na patuloy na inoobserbahan habang si Nollas ay nakakulong na sa MPD-Station 5, na may kasong frustrated murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page