top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

‘Rare’ leatherback sea turtle, napadpad sa Camarines Norte

  • Jeff Tumbado
  • Nov 23, 2018
  • 1 min read

NAPADPAD sa dalampasigan ng Camarines Norte ang isang pambihirang leatherback sea turtle na tumitimbang ng 500 kilos.

Natagpuan ito ng ilang mangingisda sa karagatang sakop ng Bgy. Duran, Balatan.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang babaeng pagong ay buhay at may habang 1.75 metro.

Mas malaki ito kumpara sa natagpuan sa lugar noong July 20, 2018 sa parehong barangay.

Ito ang maituturing na pinakamalaki at pinakamabigat na uri ng pagong o pawikan.

Itinuturing na rin ito bilang “vulnerable” dahil sa mabilis na pagkaubos ng kanilang populasyon.

Matapos masuri at matiyak na maayos ang kondisyon ng pawikan, ibinalik din ito sa malalim na parte ng karagatan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page