Shabu sa chicharon, buking
NABUKING ng bantay na preso ang dala-dalang hinihinalang shabu ng isang GRO makaraang suriin sa detention cell ng Sariaya, Quezon-PNP.
Pasado alas-2:00 ng hapon, bibisita sa kanyang kaibigang nakakulong ang suspek na si Rosemarie Danganan Langit, 30, ng Bgy. Dalahican, Lucena City. Sinuri nila ang dala nitong pagkain kung saan tumambad ang limang piraso ng aluminum foil na nakabalot sa tiket ng bus.
Kasunod nitong binuksan ang isang balot ng chicharon hanggang sa madiskubre rin ang dalawang pirasong sachets na laman ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit sa dalawang gramo.





Comments