Pera ng China sa ‘Pinas | PUWEDE NA!

POSIBLE nang magamit ang pera ng China sa mga transaksiyon sa Pilipinas at hindi na rin magkakaproblema sa foreign exchange ang pera ng China matapos selyuhan ang Memorandum of Understanding on Renminbi Clearing Arrangement.
Batay sa ilalim ng kasunduan, magagamit ang pera ng China na renminbi sa pangkalahatang transaksiyon kung saan sa kasalukuyan, dolyar ang karaniwang ginagamit sa mga panlabas na transaksiyon sa Pilipinas.
“Ibig sabihin po ay hindi na po tayo magkakaproblema sa foreign exchange ng renminbi dito sa ating bansa, iyon lang po iyon; and doon po sa negosyante na renminbi iyong kanilang hawak na pera hindi na magkakaproblema pagdating sa foreign exchange,” ani Communications Secretary Martin Andanar.
Una nang sinaksihan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping nang lagdaan ang MOU sa Malacañang nina Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor for Financial Supervision Sector Chuchi Fonacier at Ambassador Zhao Jianhua na kabilang sa 29 agreements. “Well, ang maganda kasi dito, halimbawa kung ikaw naman ay gumagamit ng peso halimbawa, pupunta ka ng China, kailangan mo pang i-convert to dollars. So, doon sa conversion lang na iyon ay meron ng commission. Tapos kung puwede mo nang halimbawa sa South Korea, diretso na, dala mo na iyong peso mo, iko-convert mo na into won, diretso na siya into Korean won, hindi mo na… kumbaga, kung meron mang commission, isang commission lang,” paliwani Andanar.





Comments