P-Duterte, hate na hate ang E.U. pero, ang China halos sambahin na, hmmm...

SABI NI P-DUTERTE DAPAT IRESPETO NG E.U. ANG SOBERANYA NG PILIPINAS, PERO ANG CHINA NA SUMAKOP SA WPS, SINASAMBA NIYA—Kada makatitikim ng batikos si P-Duterte mula sa European Union (EU) tungkol sa EJK (extrajudicial killings) at human rights violation ng kanyang gobyerno ay minumura ito ng pangulo at sinasabihan ang E.U. na respetuhin ang soberanya ng Pilipinas.
Naks, ha? May nalalaman pang soberanya si P-Duterte, pero nang dumalaw sa bansa si Chinese Pres. Xi Jinping ay halos sambahin niya kahit na ito pa ang nag-utos sa puwersa ng China na sakupin ang mga isla sa West Philippine Sea, buwisit!
◘◘◘
ISANG PROBINSIYA NG PALAWAN, HINDI KAYA ANGKININ DIN NG CHINA? — Kaduda-duda na isang araw bago dumating sa bansa si Chinese Pres. Xi Jinping ay biglang ipinasa sa Senado na gawing tatlong probinsiya ang lalawigan ng Palawan.
Sa totoo lang, nakababahala ‘yan kasi baka ang isang probinsiya ng Palawan na malapit sa Malampaya Gas Field at Recto Reed (Reed Bank) ay angkinin din ng China, tapos sasabihin ni P-Duterte na hayaan na lang para iwas-giyera kasi hindi kaya ng Pilipinas ang China, boom!
◘◘◘
SEC. BELLO, ‘NGANGA’ SA CHINESE ILLEGAL WORKERS SA ‘PINAS—Nang tanungin ng mga mamamahayag si DOLE Sec. Silvestre Bello III sa ulat na may 400,000 Chinese na walang Alien Employment Permit (AEP) o iligal na nagtatrabaho sa Pilipinas, eh, ang naging tugon niya ay may natanggap daw silang impormasyon tungkol sa isyung ito.
Iyan lang ang naging tugon niya at wala siyang sinabi kung ipade-deport niya ang Chinese illegal workers sa bansa.
Dahil parang dedma lang kay Sec. Bello ang isyung ito kaya lumalabas na sa Duterte gov’t., “untouchables” ang mga Chinese illegal worker, pwe!
◘◘◘
KAGAWAD SA SAN PABLO CITY NA MAY KINIKILINGAN SA KASO, DAPAT IMBESTIGAHAN NI DILG USEC. MARTIN DIÑO—May naganap daw na away-magkapitbahay sa Bgy. San Francisco, San Pablo City at itong si Kagawad Ruther Calabia, imbes na pumagitna, kinampihan pa raw ang taong nakapanakit sa kanilang ka-barangay.
Aba, Kagawad Calabia, bad ang ginagawa mo na may kinikilingan ka sa kasong pam-barangay kasi bilang barangay official, dapat patas ang trato ninyo sa inyong mga ka-barangay.
Paging DILG Usec. for Barangay Affairs Martin Diño, paimbestigahan n’yo kung bakit may kinakampihan si Kagawad Calabia, plis lang!





Comments