Lalaki nagbigti sa CBCP
PATAY na nang abutan ng kanyang ama ang isang 19-anyos na janitor ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kahapon ng umaga sa Intramuros, Manila.
Hinihinalang personal na problema ang tinitingnang motibo sa ginawang pagpapatiwakal ni Jonard Peranca, janitor ng CBCP.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Joel Jasareno, alas-6:00 ng umaga, nang itawag ng MPD-Baseco Police Community Precinct ang insidente sa ginawa umanong pagpapatiwakal ng biktima sa loob ng stockroom ng CBCP.
Huli umanong nakitang buhay si Peranca, alas-7:00 ng gabi, kamakalawa nang pumasok sa stockroom na inookupahan ng kanyang ama na kapwa nito janitor.
Hanggang sa madiskubre ng kanyang ama ang pagbigti nito gamit ang nylon cord. Inaalam pa ng pulisya kung may naganap na foul play sa insidente.





Comments