Kahit immoral daw, kinukunsinti… RELASYON NI VICE KAY CALVIN, GAMIT NA GAMIT PARA SA RATINGS NG IT’S


BAGAMA’T kilig na kilig ang studio audience at bentang-benta sa kanila ang ‘Calvin Abueva’ moments ni Vice Ganda sa It’s Showtime, hindi naman ito ikinatutuwa ng ilang bashers ng show at ng gay comedian.
Ilan sa mga ‘bitter comments’ na naririnig namin mula sa mga televiewers ay bakit daw hinahayaan ng mga bossing ng It’s Showtime na mahaluan ng personal life ni Vice ang pagpapasaya nila sa show, eh, alam naman daw na hindi normal na love story ang kina Vice at Calvin at ‘imoral’ ang dating nito sa ilan?
Dagdag pa ng ilang viewers, sana ay mag-stick na lang si Vice sa pagpapatawa at pag-e-entertain at ‘wag nang gamitin ang kanyang love life para tumaas ang ratings ng It’s Showtime.
Kawawang Vice, mabenta lang siya sa pagpapasaya, pero ayaw siyang makitang masaya, ganern?!





Comments