top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Iwas-krimen at bawas pangamba para sa lahat ng motorista | Plaka ng motorsiklo, palalakihan na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2018
2 min read

MATATANDAANG, kaliwa’t kanang krimen na ang nangyari rito sa bansa na ki­nasasangkutan ng mga riding-in-tandem, kaya naman upang masolusyunan ito, sa ila­lim ng House Bill 8419, inatasan ang Land Transportation Office (LTO) na lakihan ang plate number ng mga motorsiklo nang sa ga­yun ay makaiwas tayo sa iba’t ibang klase ng krimen, partikular na ang riding-in-tandem.

Gayunman, naniniwala ang mga kinau­ukulan na malaki ang maitutulong nito para kahit paano ay mabawasan na ang mga pasa­way na patuloy na ginagamit ang kanilang motorsiklo para lamang makapambiktima ng kanilang kapwa.

Sa katunayan, dahil sa sobrang takot ng ilan nating mga kababayan, nagkaroon ng viral video hinggil sa dalawang taong naka-helmet na nakasakay sa motorsiklo kung saan nagsitakbuhan ang mga tao kahit hindi naman riding-in-tandem ang kanilang naka­engku­wentro.

Sadyang nag-iwan na ito ng takot at pa­ngamba sa lahat at ‘yun ang dapat nating baguhin!

Ngayon, kung masisimulan na ang pagpa­palaki ng mga plaka, mas madaling maha­hanap o mahuhuli ang mga taong sangkot sa riding-in-tandem at marami pang iba.

Gayundin, bukod sa masisigurado ang kaligtasan ng lahat, mababawasan pa ang pangamba nila dahil sa mga kawatan.

Samantala, LTO na ang bahala sa nara­rapat na laki ng plaka, pero dapat ay nakikita ang alphanumeric characters kahit pa sa dis­tan­siyang labindalawang metro, kapag na­man nasira o nawala ito, mainam na makipag-ugnayan kaagad sa LTO.

Ang hindi susunod sa panukala ay pagmu­multahin ng P5, 000 hanggang P100, 000.

Kaya ang panawagan natin sa lahat, mag-ingat at suportahan ang panukala!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page