top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Huli sa barracks | MGA GUMAWA NG ‘STAIRWAY TO HEAVEN’ FOOTBRIDGE, ADIK

Gina Pleñago
Nov 22, 2018
1 min read

HINDI umano dapat pa­ngambahan ng mga pedes­trian ang apat sa construction workers na gumawa ng ma­taas na footbridge sa Ka­muning na pawang mga gu­magamit ng iligal na droga.

Ayon kay MMDA Spokes­woman Celine Pia­lago, nahuli sa buy-bust ope­ration ng pulisya sina Jan- Jan Rasonable, 26; Joseph Baldoa, 27; Lolito Lacang, 38, at Jonard Jagon, 23, sa kanilang barracks, malapit sa naturang footbridge at nakakuha ng apat na maliliit na sachets ng shabu at P100 bill.

Pinangangambahan ng ilang pedestrian ang kalig­tasan ng tulay dahil kabilang aniya sa mga gumawa ay sangkot sa droga.

Ani Pialago, huwag ma­ngamba ang mga ito dahil bago tuluyang ipagamit ang nabanggit na footbridge ay isasailalim muna ito sa ins­pek­siyon upang masiguro kung ligtas itong tawiran.

Nabatid na laging inu­ulan ng batikos mula sa ne­tizen ang kontrobersiyal na mala-stairway to heaven footbridge.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page