top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 22, 2018 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGA­YONG NOBYEM­BRE 22, 2018 (Huwebes): Unahin mo ang iyong sa­rili bago ang iba. Maaaring maubos ang panahon mo para sa iyong sarili kung makikialam ka pa sa prob­lema ng iyong kapwa.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo ang gusto mong ga­win. Hindi ma­ganda sa tao ang hindi ma­tuloy ang pangarap niya sa buhay dahil lang sa mga sinasabi ng kanyang mga kaaway. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-14-29-30-41

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka ma­hina! Nasa isip mo lang ang mga bagay na kinatata­ku­tan mo. Kung ano ang nasa isip ng tao, ito ay na­kaiimpluwensiya sa mga ikikilos niya. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-28-35-41-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Kulang ka ng tiwala sa iyong sarili kaya na­kararamdam ka ng panghi­hina ng loob. Balikan mo ang mga araw kung kailan ti­nalo mo ang mga pagsu­bok na iyong naranasan. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-21-26-34-42.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag mong intindihin ang mga kabiguang iyong nararanasan. Hindi sa­pat ang mga ito para su­muko ka at hindi ituloy ang iyong mga pangarap. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-10-25-31-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mag­saya ka kahit pa marami kang inaatupag na mga gawain. Ang taong ma­saya kahit pagod ay hin­di maaapektuhan ng kahit anong negatibong bagay. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-9-11-15-23-38-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huminga ka nang mala­lim kapag pagod at nahihirapan ang isip mo. Gawin mo ito upang manumbalik ang lakas mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-26-38-40-42-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang mga sinasabi ng mga nasa paligid mo. Ang mga hindi magagan­dang papuri sa iyo ay ded­mahin mo lang. Ang tu­tukan mo ay ang mga gusto mong gawin sa iyong buhay. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-3-17-24-30-31-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masaya ka dahil pina­saya ka ng ka­palaran mo, pero puwede ka ring maging malung­kot dahil sa mga taong hin­di ka gusto. Ito ang men­sahe ng kapalaran mo nga­yon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-14-15-24-39-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumiki­los ang kapala­ran upang big­yang-daan ang mga su­werte sa iyong harapan. Sakyan mo lang ang mga pangyayari dahil ito ay makapagbibigay sa iyo ng kasiyahan. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-white.Tips sa lotto-11-18-23-25-34-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maghin­tay ka, ito ang sikreto ng ka­palaran mo ngayon. Muli, maghintay ka lang dahil paparating na ang iyong mga buwenas. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-12-15-25-26-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung na­lamangan ka ngayon, lihim kang matuwa dahil ang kondisyon para mahulog sa harapan mo ang mala­laking suwerte ay ang maloko ka ng malalapit sa iyo. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-3-11-17-21-24-27.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magdaratingan sa buhay mo ang mga ma­gagandang bagay mula sa malalayong lugar. Kaya maghanda ka para sa iyong magandang kinabuka­san. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-17-19-25-28-30-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page