top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Di nakatiis... COCO, NAGPATUTSADA VS. PNP, DILG AT PAO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2018
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MUKHANG may patama si Coco Martin patungkol sa sunud-sunod na reklamong ibinabato sa kanya ng PNP, DILG at PAO, kung saan sinisira raw ng teleserye niyang Ang Probinsyano ang imahe ng kapulisan, na sinundan pa ng pagpapatanggal ng PNP sa assistance na ibi­nibigay nila para sa seryeng ito ng ABS-CBN Network.

Agad na nag-sorry at nagbigay ng linaw si Coco at ang ABS-CBN Network tung­kol sa isyu noong una itong pumutok.

Nu’ng Martes (November 20), nag-post ang actor sa Instagram ng isang cryptic message mula sa @PeacefulMind­Peaceful­Life na ang nakalagay ay: “Sometimes the best revenge is to smile, move on, and do nothing,” at nilagyan pa niya ng caption na: “Peace” at laughing emoji.

Sinundan ito ng pakikipagpulong ni Coco at ng ilang ABS-CBN executives sa DILG kahapon (November 21), na ginanap sa Campo Crame. Naging maayos naman daw ang pag-uusap sa pagitan ng kampo ng Ang Probinsyano at ng DILG at walang babaguhin sa istorya ng teleserye.

Sa ngayon, araw-araw namang napapa­nood si Coco sa noontime show ng GMA Ne­twork na Eat… Bulaga! dahil sa paulit-ulit na pagpe-play ng show ng trailer ng MMFF movie nila na Jack Em Poy: The PulisCredibles na pinagbibidahan nina Coco Martin, Vic Sotto at Maine Mendoza.

‘Yun na nga!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page