top of page
Pokwang.jpg

'Di na good influence sa kabataan… SIGAW NG FAN: KC, AMBASSADOR PA NAMAN, TODO-PAKITA NG SINGIT

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2018
2 min read

PINAGTITRIPAN ngayon ng mga netizens ang “bukaka pose” ni KC Concepcion sa kanyang Instagram page. Nag-post ang dalaga ni Sharon Cuneta ng larawan niya kung saan ay ma­kikitang naka-shorts siya’t nakataas ang paa na medyo napabukaka nga habang nakaupo sa kotse.

Ang daming pumuna sa dalaga dahil hindi raw ladylike ang pose nito gayung napakadisente pa namang babae. Ang iba’y ipinadi-delete pa kay KC ang post dahil awkward daw at malaswa.

“Sorry to say... Ready to f...!!! Omg! U r a decent woman why like this now???!!! Sobrang Di bagay...” ang com­ment ng isang netizen.

“Pangit kasi nakabukaka sa picture. So sorry. I don’t mean to be offensive,” anang isa.

Sey naman ng isa, “Is she really the ambassador of the UN World Food Program? Hmmm...”

Komento ng isa pa, “I like you dahil napalaki ka ng magulang mong mabait na anak at lalong hanga ako sa iyong gandang natural pero dapat ilapat mo din sarili mo sa kahinhinan dahil isa kang ambassador na tinitingala ng mga kabataan sa ating bansa. Hindi mo na kailangang magpakita ng iyong kasingitan para makakuha ng pansin dahil talagang tunay ka namang may magandang balat at mukha. God bless po.”

Katakut-takot pang negative comments ang mababasa kaugnay ng natu­rang pose ni KC.

In fairness, marami rin naman ang nag­tanggol kay KC at nagkomentong nor­mal daw ang magtaas ng paa sa car at sey ng maraming girls, ginagawa rin nila ‘yun.

“Juskopoooo lahat na lang issue! Her life, so let her be. Kung ‘di malisyosa ang isip walang ibang meaning ang upo niya. If you don’t like what you see, you are free not to look at it,” pagtatanggol ng isa niyang follower.

“That pose is normal for people who are making themselves comfortable inside their car. I’m sure she is wearing a bathing suit under that cover up. She is headed to the beach. What is wrong with that pose? It would be more awkward if she is so stiff looking and dressed in a formal attire going to her weekend getaway,” ang komento naman ng isa pang netizen.

Kami man ay walang makitang masama sa pose ni KC dahil wala namang nakitang hindi dapat makita. Hindi rin ito nakabawas ng kadisentehan niya dahil nasa loob siya ng sarili niyang kotse’t wala sa isang formal event.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page