6 holdaper utas sa checkpoint
NAPATAY sa engkuwentro sa pulisya ang anim na hinihinalang miyembro ng robbery gang sa Cagayan.
Batay sa ulat ng Cagayan Provincial Police Office, alas-10:00 ng gabi nang magkasagupa ang mga awtoridad at mga miyembro umano ng Gener Dunag Robbery Group sa national highway ng Bgy. Bikud, Lal-lo.
Matapos ang ilang minutong bakbakan, bumulagta si Gener Dunag na siyang lider ng grupo at ang lima pa nitong kasamahan.
Iniwasan umano ng grupo ang checkpoint ng pulisya at sa halip na tumigil ay nagpaputok pa umano ang mga ito sa mga awtoridad.
Bago ang engkuwentro, isinumbong sa pulisya ang pagnanakaw umano ng grupo sa isang trak na may lulang bigas, mais at iba pang produkto. Kinuha rin umano ng grupo ang pera ng mga biktima nito.
Narekober mula sa crime scene ang limang baril at mga pera.





Comments