2018 national budget, maraming natira

INAPRUBAHAN ng Kamara ang panukalang gamitin ang natirang pondo ngayong 2018 sa rehabilitasyon ng Marawi City na nasira dahil sa giyera ng pamahalaan at ng Maute Group.
Ito ang nakasaad sa House Joint Resolution No. 32 na isinalang ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na layong palawigin hanggang Disyembre 2019 ang buhay ng natirang maintenance and other operating expenses at capital outlay.
Lumabas na marami pang pondo sa ilalim ng 2018 budget ang hindi nagamit kaya isinulong ang pagpapalawig ng buhay nito upang magamit sa rehabilitasyon ng Marawi City at paggawa ng mga imprastruktura na nasira ng bagyo.
Kasama sa nagsulong sa resolusyon bukod kay Arroyo sina Majority Leader Rolando Andaya, Jr., Minority Leader Danilo Suarez at House appropriations panel Senior Vice-Chairman Maria Carmen Zamora.





Comments