WPC FINALISTS NGAYON NA, USAPANG SPORTS NG TOPS


ANG natitira pang makakapasok sa kampeonato ng 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag International Derby ay malalaman ngayon sa paglalatag ng ikatlong araw ng semis sa Newport Performing Arts Theatre of Resorts World simula alas-12 ng tanghali at nakalinya ang 122 sultada.
Napatunayan ang matinding labanan sa semis matapos na walang makabuo ng 5 puntos sa unang 3-stag semis noong Lunes.
Ang GS Señor 3 ni Barry Crisostomo ay nakakuha ng pinakamataas na iskor na 4.5 puntos samantalang naka-4 na puntos siya sa isa pa niyang lahok na GS Señor 2.
May tig-4 na puntos din ang Tiger Shark/Philreca PDJ (Engr. Celso A. Salazar), Har-Sy-Tan Ang Babae Sa Mall (Harold De Ramos), P.E. Gamefarm 2 (Pol Estrellado), Diego JCap Thor MP (Eric dela Rosa), Lucky Chard Tabuk JD (Atty. Tubban/Jun Durano), RJM Bohemian Rhapsody (RJ Mea) at Roosterville BS (EP/Boyet Singbengco)
Ang 4-stag finals para sa lahat ng may iskor na 3 or 3.5 puntos ay sa Nob. 23, samantalang ang may tig-4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals.
Samantala, ang kauna-unahang “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ay idaraos sa Huwebes (Nob. 22) kung saan si Philippine Sports Commission Chairman William “Butch” Ramirez at Games and Amusement Board(GAB) Chairman Abraham “Baham” Mitra ang mga espesyal na panauhin.
Idaraos ang weekly sports forum ng 10 a.m., sa National Press Club Bldg. sa Magallanes Drive, Intramuros.
Tatalakayin nina Ramirez at Mitra, ng local government sports agencies ng Office of the President ang maiinit na isyu sa local sports.
Babanggitin ni Ramirez ang partisipasyon ng PSC sa iba’t ibang sports activities ngayong taon at sa 2019.
Pag-uusapan din ni Mitra ang katatapos na World Boxing Council (WBC) 3rd Women’s Convention and Asian Summit, na idinaos ng GAB noong Nob. 16-19. (MC)





Comments