top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Worried sa tumubong kulugo sa kanyang ari

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 21, 2018
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Nagkaroon ako ng BF at may nangyari sa amin. Sa kasamaang-palad, napansin kong parang nagkaroon ako ng kulugo sa aking ari na malapit sa bukana, makati ito at mukhang cauliflower kung titignan. Ipinaalam ko ito sa kanya pero, itinanggi niyang wala siyang ibang nakatalik maliban sa akin. Gusto kong malaman kung pa­ano ito gagamutin? — Kring

Sagot

Ang pagkakaroon ng mga kulugo sa ari (genital wart) ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Lumilitaw ang mga kulugong ito sa ari ng babae o lalaki at maging sa puwit ng taong nahawahan. Ito ay dulot ng impeksiyon mula sa condylomata acuminate o papilo­mang virus na pantao o human papilloma virus (HPV).

Kabilang sa mga sinto­mas ng sakit na ito ang pangangati ng mga kulugong natatagpuan sa loob at labas ng ari ng lalaki o babae. Nagsisimula lamang ang mga kulugo bilang mga maliliit na butlig na lumalaking tila mga cauliflower ‘pag nag­tagal.

Kasama sa mga nagiging kumplikasyon ng sakit ang pagkakaroon ng kanser sa leeg ng matris at sa puwit, lalo ring dumarami at nagsisilaki ang mga butlig.

Naililipat sa ibang tao ang mga kulugo sa ari sa pa­mamagitan ng pakikipagtalik, lalo na kung mayroon ng mga kulugo ang taong nakasiping.

Gayundin, mayroong mga pagkakataon na mahawa ang sanggol mula sa inang may kulugo sa panahon ng pagsisilang.

Paano ito maluluna­san?

Sa ganitong uri ng sakit ang binibigyang-lunas lamang ay ang kulugo dahil hindi ginagamot ang virus sapagkat kahit na ipagamot ay nag­papatuloy pa rin ang pagiging nakahahawa nito. Nang­yayari ang pagkahawa at pagsalin kahit walang na­papansing mga palatandaan. Isinasagawa ang mga pag­susuring papanicolau (pap smear o pap test) para sa mga kababaihan. Gayunman, mabuti pa rin na mag­pakonsulta sa doktor upang mabigyan kayo ng karagda­gang payo tungkol dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page