top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

POSITIBO ANG GILAS, KAHIT TINALO NG JORDAN SA FIBA TUNE-UP GAME

  • Alvin Olivar
  • Nov 21, 2018
  • 1 min read

NATALO ang Gilas Pilipinas kontra Jordan, 98-92, noong Lunes ng gabi sa isang tune-up game para sa FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers sa Meral­co Gym.

Pinangunahan ni Zaid Abbas ang atake ng Jordan upang daigin ang Gilas Pilipi­nas, na nagha­han­da para sa kanilang laban kontra Kazakhstan sa Nobyembre 30 at Iran sa Dis. 3 sa Mall of Asia Arena. Hindi nakapaglaro sa tune-up game ang mga manlalaro ng Ginebra na si Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, at LA Teno­rio, at si Kai Sotto para sa Gilas Pilipinas sa nasabing tune-up.

Nanguna para sa Gilas Pilipinas si Christian Stand­hardinger pag­karaang umiskor ng 24 points para sa koponan. Gu­ma­wa ng 14 points si Marcio Lassiter habang 13 ang inam­bag ni Jayson Castro sa koponan. Guma­wa ng 24 points si Abbas habang 18 ang tinipa ni Mousa Al Alwadi para sa Jordan.

Kahit natalo ang pambansang koponan, marami pa ring nakitang positibo si head coach Yeng Guiao sa naturang laro. “The chemistry I think is good. We just need a little bit more time. These games are learning experiences for us. What we want to do or what we want to achieve is to be able to see where our shortcomings are and where our weaknesses are so we can work on them,” wika ni Guiao.

Samantala, muling mag­haharap ang Gilas Pilipinas kontra Jordan ngayong gabi sa Meralco Gym sa isang rematch. Naghahanda rin ang Jordan sa kanilang laban kontra sa Korea sa Disyem­bre 2 sa Busan. Dikit ang naging laban sa pagpasok ng fourth quarter pagkaraang lumamang ang Jordan, 70-67. Ngunit pumutok si Ab­bas matapos magbuslo ng tres para lumayo sa Gilas Pilipinas, 94-85.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page