top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P3.757 trillion na 2019 national budget, lusot na

Madel Moratillo
Nov 21, 2018
1 min read

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang 3.757 trillion pesos na 2019 National Budget.

Kung saan 196 kongresista ang bumoto pabor sa pagpasa ng panukalang pambansang pondo habang 8 naman ang tumutol.

Aminado si House Majority Leader Rolando Andaya na nag-text sa kanya si Senate President Tito Sotto at tinanong kung kakayanin na bang maipasa ang Pambansang Budget ngayong linggo.

Matatandaan, na una nang umapela ang ilang senador sa Kamara na ipasa na ito sa lalong madaling panahon.

Ipinaliwanag ni Andaya na nakapagpabagal sa pag-apruba ng budget ang amendments mula sa gabinete habang humiling din aniya ang pangulo ng dalawang bilyong pisong pondo para sa pabahay para sa hanay ng militar.

Tiniyak naman ni Andaya na lahat ng inamyendahan sa budget ay itemized at ito ay alinsunod sa lahat ng mga patakaran.

Ito ay sa kabila ng paratang ni Senador Panfilo Lacson na kaya mabagal ang proseso ng pagpasa ng budget sa Kamara ay dahil nasisingitan na ito ng pork barrel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page