P2 dagdag-presyo sa tinapay, aprub — DTI

INAPRUBAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang P2 dagdag-presyo sa branded loaf bread.
Ayon kay DTI Consumer Protection Advocacy Bureau Director Dominic Tolentino, kaugnay ito sa taas-presyo ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay tulad ng harina at asukal.
Samantala, hindi naman sakop ang pandesal, low-cost Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal sa P2 dagdag-presyo.
Itinanggi naman ni Tolentino na tinangka nilang ilihim ang pagpapatupad ng nasabing price hike.
Nagulat naman si Vic Dimagiba, pangulo ng Laban Konsyumer sa pagtaas ng presyo ng branded loaf bread na umabot sa P62 hanggang P64 kada 600-gram pack.
Aniya, walang abiso ang DTI sa price hike kung saan ipinahayag ng millers nitong nakaraang buwan na walang pagtaas sa presyo ng wheat.





Comments