top of page
Pokwang.jpg

Nasabon ng mga bossing… JANNO, BINURA NA SA IG ANG TAMPO SA DOS

Nitz Miralles
Nov 21, 2018
1 min read

HINDI na mahanap ang post ni Janno Gibbs sa Instagram (IG) na nagtatampo siya sa ABS-CBN dahil hindi siya isinama sa Christmas Station ID. Ang tsika, sinabihan si Janno ng management niyang Viva Artists Agency na i-delete ang kanyang post na sinunod ng singer-actor.

Pero hindi pa rin tumitigil si Janno sa pagsagot sa mga followers niya. Ang kaibahan lang, hindi na ang absence niya sa Christmas Station ID ang itinatanong at sinasagot nito kundi tungkol sa pag-ayaw na sa kanya ng GMA-7 at walang ibinibigay na trabaho sa kanya.

May nagpaalala kay Janno na bago siya mapunta sa VAA, lumipat muna siya sa TV5 at ‘yun ang rason kung bakit hindi na siya kinuha uli ng GMA-7 at hindi siya binigyan ng show.

Hindi na rin sinagot ni Janno ang tanong ng mga followers niya kung bakit dinelete niya ang controversial post niya na kahit burado na, nakarating sa mga kinauukulan.

May binanggit pala si Janno na siya na lang sa mga lumipat sa ABS-CBN from GMA-7 ang hindi isinama sa A.S.A.P. Natin ‘To, pero ipinagdiinan niyang mahal niya sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid at masaya siya para sa dalawa.

“Alam kong hindi nila ma­masamain ang post ko,” wika ni Janno.

For sure, magiging visible si Janno sa mga shows ng ABS-CBN ‘pag nag-promote na siya ng kanyang single na Feeling JKL at ‘pag nai-release na ang album niya under Star Music.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page