Kagawad niratrat, utas
DEDO ang isang barangay kagawad na kilalang political leader ni Malabon City Mayor Antolin ‘LenLen’ Oreta, matapos pagbabarilin, kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan si Rodrigo Tambo, 40, no. 1 kagawad ng Bgy. Catmon, residente ng Dulong Hernandez St.
Ipinag-utos naman ni Malabon City Police Chief Sr. Supt. Jessie Tamayao ang follow-up investigation para sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Sa imbestigasyon nina SPO2 Jherico Pascual at SPO1 Roger Gonzales, alas-8:32 ng umaga, nakaupo habang kausap ng biktima si Lawrence Margalio, 41, barangay tanod nang dumating ang mga suspek saka pinagbabaril si Tambo. Nagawa namang makatakbo ni Margalio habang naglakad naman na tumakas ang mga suspek.
Ani Malabon PIO Head Bong Padua, limang taon nang lider ng “Arya Progresibo”, isang local organization sa lungsod na sumusuporta sa management at governance skills ni Oreta.





Comments