HOROSCOPE | NOBYEMBRE 21, 2018 (Miyerkules)
- BULGAR

- Nov 21, 2018
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEMBRE 21, 2018 (Miyerkules): Mamalagi ka sa mataas na kalagayan, pero ang mga paa mo ay palaging nakasayad sa lupa. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagdaratingan pa lang ang magagandang kapalaran na noon pa inilaan sa iyo ng langit. Huwag mong kaligtaan na isabuhay ang pagkakaroon ng positibong pananaw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-20-26-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong katakutan ang mga pagsubok sa iyong harapan, magsisilipas din ang mga ito. Ito ang hiwaga sa buhay ng tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-16-29-31-33-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Magbawas ka at madaragdagan ka! At para masaya ang pagbabawas mo, pasayahin mo ang mga malalapit sa iyo. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-15-23-25-36.
CANCER (June 21- July 22) - Itapon mo ang mga negatibong pananaw sa iyong isip. Ito ang hadlang kung bakit hindi makadapu-dapo sa iyo ang mga suwerteng nagsisilapit sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-17-20-22-24-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka na parang hindi mo iniinda ang mga pinagsasabi ng mga tao laban sa iyo. Kapag ginawa mo ito, masasaktan ang mga taong walang magawa kundi ang siraan ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-20-24-32-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi pa nagsisimula ang laban, ang mga duwag at mahihina ang loob ay ibibilang kaagad sa mga talunan. Higit kailanman, ngayon mo kailangang magpakita ng tapang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-29-36-41-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ayaw mo, huwag mong ipilit. Pero bago ka umayaw, pag-aralan mo munang mabuti kung ang pag-ayaw mo ay hindi na magbabago. Huwag mong dayain ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-25-31-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-ingat ka dahil ang taong umaabante ang buhay ay nakararanas din ng kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-15-26-34-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbababala ang nasa itaas na maaari kang matulad sa gamugamo na naaakit sa kislap ng liwanag, pero sa huli ay nasira ang pakpak at hindi na nakalipad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-25-26-33-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit malakas ang tao, kailangan pa rin niya ng kasama sa buhay. Piliin mong mabuti ang para sa iyo dahil may mga taong ang layunin ay ang makinabang lang sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-23-33-36-42-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakasasawa rin ang masarap na buhay. Muli mong mararanasan ang makipagsapalaran sa ibang larangan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-21-25-38-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang ikinikilos ng mga nasa paligid mo, ‘yun ang gawin mo. Ang anumang sobra ay pagmumulan ng inggit. Muli, kung ano ang ikikilos nila, ‘yun lang din ang dapat mong ikilos. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-11-15-24-41.




Comments