Una sa kasaysayan | MILF LEADER BUMISITA SA CAMP AGUINALDO
ITINUTURING na makasaysayan ang ginawang pagbisita ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chief Al Haj Murad sa Camp Aguinaldo.
Malugod itong sinalubong ng mga top military official ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pangunguna ni Chief of Staff General Carlito Galvez, Jr.
Ayon kay AFP Spokesperson, Brig. Gen. Edgard Arevalo, nagtungo kahapon sa Camp Aguinaldo si Murad upang makipagpulong kay Galvez.
Ani Arevalo, ito ang kauna-unahan sa kasaysayan na tatapak sa headquarters ng AFP ang pinakamataas na lider ng MILF.
Sumisimbolo aniya ito sa pagtatapos ng dekada nang problema sa pagitan ng militar at ng MILF.
Kabilang sa tinalakay nina Galvez at Murad ang ugnayan ng AFP at MILF sa combat, intelligence at civil-military operations.





Comments