top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa pagbisita ng presidente ng China | “NO PERMIT, NO RALLY” — NCRPO

  • Gina Pleñago
  • Nov 20, 2018
  • 1 min read

IPATUTUPAD ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang “No Permit, No Protest Policy” pagdating ng pangulo ng China na si Zhi Jin Ping, ngayong araw.

Ani NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, hindi nila iniaalis na magkaroon ng kilos-protesta o lightning rally sa pagdating ng pangulo ng China kaya naglatag na sila ng contingency para maiwasan ang gulo.

Patuloy pa rin ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng NCRPO at ng Chinese Embassy sa Makati City para sa usapin ng seguridad kung saan ang Southern Police District (SPD) at Manila Police District (MPD) ang siyang tututok sa pagbisita ng pangulo ng China.

Samantala, inatasan ni Gen. Eleazar ang dalawang distrito ng kapulisan na ipatupad ang maximum tolerance.

Nabatid na limang libong pulis ang ipakakalat at tututok sa pagbabantay sa pagdating ng pangulo ng China na si Zhi Jin Ping.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page