Rollback sa gas non-stop, pasahe ibaba na | NO WAY! — PASANG MASDA
NANINDIGAN ang isang transport group na tutol pa rin sila sa pagbaba ng halaga ng minimum na pasahe sa gitna ng mga panawagan para rito dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng petrolyo.
Ayon kay Pasang Masda President Roberto Martin, tutol pa rin silang ibalik sa P8 ang minimum na pasahe sa mga jeep hangga’t hindi bumababa sa P38 ang presyo ng diesel sa Kamaynilaan.
Nakabimbin pa rin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang petisyong inihain noong nakaraang linggo ng isang consumer group para ibalik sa P8 ang minimum na pasahe dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng petrolyo.
Matatandaang, inaprubahan noong nakaraang buwan ng LTFRB ang hiling na taas-pasahe ng mga transport group na nag-akyat sa minimum na pasahe sa mga jeep sa P10 na naging epektibo noong Nobyembre 2.





Comments