Nagkabalikan, ayaw nang paawat… VIDEO NINA CARLO AT ANGELICA NA MAGKATABI SA KAMA, KALAT NA!

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MUKHANG hindi na nga mapaghihiwalay ulit ang mag-ex na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban dahil matapos ang kanilang matagumpay na pelikulang Exes Baggage na kumita ng P300 milyon sa takilya, sunud-sunod na ang kanilang paglabas at sweet moments together na proud na proud nilang ipino-post sa kanilang social media accounts.
Matapos ang birthday celebration ni Angelica sa Japan, kung saan may kumalat na ‘kissing’ photo ng dalawa, matamis na naman ang mga Instagram stories na ibinahagi ni Angelica sa mga fans ng CarGel nu’ng Sabado.
Dito, makikita na nakahawak si Angelica sa siko ni Carlo habang nakikinig silang dalawa ng music. Sinundan pa ito ng litrato kung saan makikitang magkatabi sila sa isang kama habang nakaakbay sa kanya si Carlo na todo-ngiti.
At pagkatapos nu’ng Sabado, nu’ng Linggo (Nov. 18) naman ay nag-post ulit si Angelica ng litrato kung saan makikitang nakadapa si Carlo habang nagse-cellphone na nilagyan pa ng aktres ng caption na: “Sunday funday.”
Mukhang love is sweeter the third time around, dahil kung maaalala natin, inamin ni Angelica sa GGV na dalawang beses na silang nagkahiwalay ni Carlo Aquino at ito na ang third chance ng kanilang relasyon.





Comments