Langis sa international market malaki na ang ibinaba, rollback sa 'Pinas kakarampot, buwisit!
- BULGAR

- Nov 20, 2018
- 2 min read
P-DUTERTE, TAMEME SA RESBAK NI U.S. VP MIKE PENCE — Kinontra ni United States (US) Vice-Pres. Mike Pence ang sinabi ni P-Duterte sa ASEAN Summit na dapat na raw tanggapin ng Amerika at ibang bansa na nasa kontrol o kamay na ng China ang South China Sea dahil ayon sa bise-presidente ng U.S., walang puwedeng umangkin sa waterway nito (South China Sea) dahil ang anumang bansa kabilang ang Amerika ay may kalayaang maglayag sa karagatang ito.
Kilala si P-Duterte na nagagalit sa mga kumokontra sa kanya, pero nang kontrahin ni VP Pence ang kanyang sinabi, biglang natameme ang pangulo.
Siguro, naisip ni P-Duterte na baka patulan na siya ng Amerika sa kasisipsip niya sa China kaya dedma na lang siya sa patutsada sa kanya ni VP Pence, boom!
◘◘◘
P-DUTERTE, NAINSULTO KAYA NANG SABIHAN NI PAPUA NEW GUINEA PM O’NIELL NANG ‘DID YOU HAVE A GOOD SLEEP’? — Nabalita sa mundo na tinulugan lang ni P-Duterte ang anim na importanteng events sa ASEAN Summit sa Singapore kaya nang dumalo siya sa APEC Summit sa Papua New Guinea, ang salubong sa kanya ni Prime Minister Peter O’Niell ay “did you have a good sleep”?
Tila nainsulto yata si P-Duterte sa sinabing ito ni PM O’Niell kaya inisnab niya ang ini-host nitong APEC Gala Dinner sa Papua New Guinea, he-he-he!
◘◘◘
OIL COMPANIES SUWITIK, KASI PAKONTI-KONTI KUNG MAG-ROLLBACK SA PRESYO NG LANGIS —Ang laki na ng ibinaba ng presyo ng langis sa international market, pero ang oil companies sa bansa kung mag-rollback sa presyo, pakonti-konti.
Pagpapakita ‘yan na ang mga may-ari ng oil companies sa bansa ay mga suwitik sa kuwarta, mga buwisit!
◘◘◘
NGAYONG PANAHON NI NCRPO CHIEF GENERAL ELEAZAR, MGA SCALAWAG NA PULIS, IKINAKALABOSO AT HINDI BINEBEYBI — Kasama ang mga mamamahayag ay nagsagawa ng surprise inspection si NCRPO Director Guillermo Eleazar sa Manila Police District (MPD) detention cell para patunayan sa publiko na nakakulong dito ang rapist na pulis na si P01 Eduardo Valencia at hindi ito nakatitikim ng VIP treatment na taliwas sa nabalitang hindi ito nakakulong sa selda.
Pagpapatunay ‘yan na ngayong panahon ni NCRPO Director Eleazar, ang mga tiwali o scalawag na parak ay ikinakalaboso at hindi binebeybi, palakpakan naman diyan!





Comments