top of page
Pokwang.jpg

Kung dati, walang bumabangga… KRIS, WA’ NANG POWER KAYA NAISAHAN NG KASOSYO, NAINSULTO

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 20, 2018
1 min read

KUNG pangulo pa siguro ang brother ni Kris Aquino na si Noynoy Aquino, for sure, hindi niya sasapitin ang ma-stress at magkaproblema sa mga taong nanloko sa kanya.

Tiyak na walang maglalakas ng loob na banggain si Kristeta dahil nasa mataas na posisyon ang kanyang Kuya Noy at marami ang tutulong at sasagip sa kanya.

Pero ngayon, iba na nga ang senar­yo dahil wala na sa Malacañang Palace ang mga Aquino. And worse, more than two years nang walang TV show si Kris at imposible nang muli pang makabalik sa ABS-CBN.

Wala na siyang trono, wala na siyang kaharian, kaya binabangga na siya ngayon ng ilang tao. At ang mas masakit na parte pa, ang taong pinag­katiwalaan niya at itinuring na pamil­ya ang nanloko sa kanya nang milyones.

Hindi na siguro amount ang mahalaga rito kundi mas matindi ang sakit na naramdaman ni Kris dahil sa betrayal of trust ng business partner niyang si Nicko Falcis, na pina­ma­­hala niya sa KCAP company niya.

Ang tanong naman ng mga net­izens, eh, bakit kasi umalis pa si Kris sa poder nina Boy Abunda at Deo Endrinal na unang humawak sa kanyang mga transactions at businesses?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page