Kung ang pagbibilad ng palay sa kalsada ay ipinagbabawal ng batas
- BULGAR

- Nov 20, 2018
- 1 min read
Dear Chief Acosta, Madalas kaming nagbibilad ng mga palay sa kalsada ngunit, noong isang araw ay pinagbawalan kami ng aming punong barangay na gawin ito dahil ipinagbabawal daw ito ng batas. Tama ba ito? — Joe
Dear Joe, Para sa inyong kaalaman, sang-ayon sa Section 23 ng Presidential Decree No. 17 o mas kilala bilang “Revised Philippine Highway Act”:
“Section 23 Penalties. —It shall be unlawful for any person to usurp any portion of a right-of-way, to convert any part of any public highway, bridge, wharf or trail to his own private use or to obstruct the same in any manner or to use any highway beach for irrigation or other private purposes, and any person so offending shall be punished by a fine of not more than one thousand pesos or by imprisonment not exceeding six months.”
Malinaw sa nasabing batas na hindi ninyo maaaring gamitin ang mga kalsada para sa inyong pagbibilad ng palay, lalo na kung nakasasagabal kayo sa nasabing kalsada.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments