top of page
Pokwang.jpg

Ibang Kapamilya stars, pasok… SHARON, ROBIN, JUDAY, JODI, JULIA, XIAN, SHAINA, LUIS, ELMO AT JANELLA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 20, 2018
1 min read

ANG daming netizens ang nagtatanong kung bakit wala ang ilang Kapamilya stars sa ABS-CBN Christmas Station ID na Family is Love na ini-launch last Sunday sa bagong ASAP Natin ‘To.

Hinahanap ng mga fans sina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Jodi Sta. Maria at Julia Montes.

May naghahanap din kay Xian Lim pero may nangatwiran na Viva artist na kasi ang aktor. May sumagot naman na bakit si Anne Curtis ay nandu’n gayung VAA (Viva Artists Agency) talent din ito.

May nagtatanong din tungkol kina Elmo Magalona at Janella Salvador, ganu’n din kina Robin Padilla at Shaina Magdayao.

Wala rin si Luis Manzano at nasagot na ito ng TV host noong isinu-shoot pa lang ang CSID da­hil may nagtanong na agad sa kanya.

Ayon sa paliwanag ni Luis sa Twitter, out of the country siya during the shoot.

Si Janno Gibbs na kapipirma lang sa Star Music ay nagtataka naman kung bakit wala siya.

“Throwback to Sept 12 this year when i signed w @star­mu­sic­ph Naalala ko lang. Sila yata di ako naalala e,” ang post ni Jan­no sa Instagram at nilagyan ng hastags na “#wagnyokoha­napin­sas­tation­id” at “#laki­pang­logo­salikod”

Ayon pa kay Janno sa comments section, hindi kasi siya network contract pero ang alam daw niya, kapag recording artist ng Star Music ay automatic na kasama sa Station ID.

May mga nag-comment naman sa post ni Janno na hindi siya nag-iisa dahil marami silang wala.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page