top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

DORI DU, 7-STAG SOLO CHAMP SA PATULOY NA WPC SEMIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 20, 2018
2 min read

MAGPAPATULOY ang mainit na labanan upang makapasok sa finals ngayon sa paglalatag ng ikalawang 3-stag semis ng 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag International Derby sa New­­port Performing Arts Thea­tre of Resorts World simula alas-dose ng tanghali at na­kalinya ang 100 sultada.

Ang P220K One-Day 7-Stag Big Event noong araw ng Linggo ay nagtapos kung saan ang ipinagmamalaking sabungero ng Davao City na si Dori Du (Davao Matina 6-Stag Big Event Pzd Dec. 1 330k) ay nasungkit ang so­long kampeonato matapos na magtala ng pitong panalo sa pitong laban, habang nag­salo sa runner-up honors ang mga lahok na RC Warriors & Chris Purple nina Rey Ca­ñedo & Christopher Sioson at ang MJ Blue Eagle nina Marvin Rillo, Miguel Laviña at Bobby.

Pangungunahan ang banggaan ngayon ng isa sa mga pinaka-aktibong mana­nabong ng bansa na si Arman Santos na noong ikalawang eliminasyon noong Nob. 16 ay nagtala ng nakagugulat na 6 na panalo sa 6 na laban sa pamamagitan ng tatlong entries na Jade Red LDI, Jade Red LDI 1 at Babaero Jade Red Dec. 8 Sta. Monica 5-Stag.

Sasagupa rin ang mga may tigalawang panalo na KBPZ Alkatraz Julieto (Ca­no Daniel), Win BG @ MJT Warriors Supercharged (Dar­win Baui/Ace Espejo/Ferdie Pinugu/Fred Collado), Tad­dit 214 (Jayjay Suarez), Tri­bute To Apeng Yap-Swing BG (Vic Yap/Tony Mar­fori). Ang world-class na pasa­bong ay suportado ng gold sponsor Thunderbird Plati­num. Magpapatuloy ang 3-stag semis ngayong Martes, Nob. 20.

Ang 4-stag finals para sa lahat ng makaka-iskor ng 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay sa Nob. 23, saman­talang ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page