Dapat isa lang ang nilalaman ng puso mo, bro! BINATANG SA SANDALING MAGING STICK TO ONE AY TIYAK NAN

Dear Maestro,
Sa ngayon ay may dalawa akong girlfriend. Ang una ay tawagin na lang nating Ms. Leo na isinilang noong August 7, 1992 at ang ikalawa naman ay tawagin nating Ms. Taurus na isinilang noong May 7, 1992.
Pareho ko silang mahal, pero kailangan ko nang mamili sa kanilang dalawa dahil nagyayaya ng magpakasal si Ms. Leo at natatakot din akong baka magkabistuhan kami o may mabuntis ako sa kanilang dalawa nang wala sa panahon.
Sino sa dalawang babaeng ito ang dapat kong piliin at pakasalan upang magkaroon ako ng maligaya at panghabambuhay na pamilya? January 2, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Noni ng Mojon, Liliw, Laguna
Dear Noni,
Kung Numerology ang pag-uusapan, pareho mong ka-compatible sina Ms. Leo at Ms. Taurus, na may birth date na parehong 7 dahil kapwa naman sila pinaghaharian ng planetang Moon-Neptune na sadyang ka-compatible ng birth date mong 2 kung saan tulad ng nasabi na sa Numerology dahil pare-parehong weak numbers ang 2 at 7, sadyang compatible kayong tatlo.
Gayunman, kung Astrology ang pagbabatayan at susuriing mabuti, higit na ka-compatible ng zodiac sign mong Capricorn si Ms. Taurus kung ikukumpara kay Ms. Leo. Nangyari ito dahil ang Taurus at Capricorn ay may iisang elemento — ang elementong earth o lupa.
Sa madaling salita, sa Astro-Numerology na pag-aanalisa, si Ms. Taurus ang dapat mong piliin sa dalawa mong girlfriend dahil siya ang higit mong ka-compatible.
Ngunit, ang problema, sabi mo ay si Ms. Leo ang nagyayayang magpakasal habang si Ms. Taurus ay wala pang balak na mag-asawa dahil dito, ito ngayon ang malaking problema mo kung paano ka makikipag-break kay Ms. Leo nang maayos.
Ang mainam nito, dapat ay maayos mong makausap si Ms. Leo upang hindi na lalo pang lumala ang sitwasyon ninyong tatlo dahil habang kayo pa ni Ms. Leo kung halimbawang si Ms. Taurus ang pipiliin mong pakasalan, lalabas na kaawa-awa ang babaeng iiwanan mo nang basta-basta sa sandaling nag-asawa ka na.
Habang, ayon sa iyong Love Calendar, hindi pa huli ang lahat upang ituwid ang mga nakaraan mong pagkakamali kung saan hindi mo na ito dapat pang patagalin at palalain.
Tulad ng naunang suhestiyon, makipag-break ka na nang maayos kay Ms. Leo nang sa gayun sa parte naman niya ay unti-unti na niyang matanggap ang kasawiang ipalalasap mo sa kanya habang kayo ni Ms. Taurus ay unti-unti nang makapagpe-prepare para sa pagtatayo ninyo ng sariling pamilya na nakatakdang magbunga ng isang masaya at maunlad na pagsasama, habambuhay, na humigit-kumulang, ayon sa iyong Love Calendar ay nakatakdang mangyari sa taong 2020, sa edad mong 29 pataas at 28 naman ang babaeng mapapangasawa mo sa katauhan ni Ms. Taurus.




Comments