top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

ALDRIDGE, DINALE ANG WARRIORS JAMES, TINUSTA ANG HEAT SA 51 PTS

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 20, 2018
2 min read

BUMIDA si

sa bisa ng 24 puntos at sumunggab ng 18 rebounds, habang dumagdag si DeMar DeRozan ng 20 points kabilang na ang lima sa huling tatlong minuto nang gitlain ng San Antonio Spurs ang bumibisitang Golden State Warriors, 104-92 kahapon sa NBA game.

Namuno pa ang Warriors sa 91-90 makaraan ang 3-pointer ni Klay Thompson sa 3:38 minuto na laro bago ang 6-0 run ng Spurs sa bisa ng pagbasket ni DeRo­zan, isang baseline jumper ni Aldridge, kasunod ng pag­tapal sa huli at dalawang free throws mula kay DeRozan at tuluyang madale ang defending NBA champs.

Dumagdag si Rudy Gay ng 19 points, 15 rito ay sa first half para sa Spurs na pi­nutol ang tatlong sunod na pagkatalo sa ikalawang pagkakataon sa pitong laro. Umiskor sina Marco Belinel­li at Bryn Forbes ng 12 at 10 points para sa San Antonio.

Samantala sa iba pang laro, umiskor si LeBron James ng season-high 51 points nang manaig ang Los Angeles Lakers sa host Miami Heat 113-97.

Si James, na may hawak na apat na Eastern Conference titles at dalawang NBA championships sa apat na taon sa Miami ay nakagawa ng 19 of 31 shots, kabilang na ang 6 of 8 ng three-pointers.

Dumagdag siya ng 8 rebounds, 3 assists, 2 steals at 1 block. Nakapagtala siya ng mataas na puntos para sa Lakers laban sa Miami. Bilang dagdag, ang Lakers ay may plus-20 sa may 38 minutos ni James sa court. Unang naka-19 puntos si James sa first quarter, 28 points sa halftime at 42 sa tatlong quarters.

Ang Lakers, na naka­pagwagi ng lima sa anim na games ay may season-high 19 points mula kay reserve Kentavious Caldwell-Pope. (MC / ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page