Pinakamataas sumingil ng kuryente, nabulgar
- BULGAR

- Nov 19, 2018
- 1 min read

PINAKAMAHAL umano sa buong bansa ang singil sa kuryente ng Panay Electric Company (PECO) sa Iloilo City kung saan nataasan pa nito maging ang distribution utility na Manila Electric Company (Meralco), batay na rin sa isinagawang paghahambing ng electricity rates na isinagawa ng isang Non-Governmental Organization.
Ayon kay Ted Aldwin Ong ng Freedom from Debt Coalition, 2010 nang una silang magsagawa ng comparative study sa singil sa kuryente sa bansa kabilang ang mga siyudad ng Davao, General Santos, Tacloban, Cebu, Bacolod, Iloilo at Manila.
Lumabas umano na ang Iloilo ang may pinakamataas na singil, makalipas ang 8 taon, ngayong 2018 ay nanatiling ang Iloilo City pa rin ang may pinakamataas umanong presyo ng kuryente.
Batay sa pinakahuling rebyu ng power rates ng FDC na ipinalabas noong August 2018, nabatid na ang mga residente ng Iloilo ay nagbabayad ng P12.0917 per kWh sa kuryente, mataas kumpara sa ibinibayad ng mga residente ng Davao City na P10.1228 per kWh at sa National Capital Region na P10.219 per kWh.
Samantala, sa Tacloban City ang may pinakamababang singil na P8.9388 per kWh. Nabatid na ang nasabing pag-aaral ng FDC ang isa sa naging basehan ng House Committee on Legislative Franchises nang magsagawa ng public hearings para sa franchise application ng More Electric Power Corp. (BRT)





Comments