Minamaneho ng biyenan ni Sen. Poe | kotse nag-dive mula 3rd flr. ng mall
- Alvin Murcia
- Nov 19, 2018
- 1 min read

DINALA sa ospital ang biyenang lalaki ni Senator Grace Poe Llamanzares makaraang mahulog ang sports utility vehicle nito mula sa ikatlong palapag ng isang shopping mall sa Greenhills, San Juan City kahapon ng umaga.
Alas-9:45 ng umaga nang ipinarada ng biktimang si Teodoro Paraiso Llamanzares, 83, ang Toyota Innova sa parking 4 ng Promenade Mall nang mahulog ito.
Ayon kay San Juan Chief of Police Senior Supt. Dindo Reyes, nakita ng mga security guard sa lugar na sa halip mag-menor, tuluy-tuloy ang kotse sa barandilya ng parking area at tuluyang nahulog at bumagsak.
Agad namang nirespondehan ng mga pulis na hindi kalayuan sa lugar ang biktima at isinugod sa Cardinal Santos Medical Center.





Comments