top of page
Pokwang.jpg

Mga dancers ng show, bitbit sa bakasyon… WILLIE, MAY BEACH RESORT NA SA PALAWAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2018
1 min read

HINDI lang mga rest house sa Tagaytay, luxury cars, condos, yate at chopper ang mga nai­pundar na properties ng Wowo­­win host na si Willie Revillame. Balitang-balita na nakabili na rin ito ng isang beach resort.

Posibleng sa parteng Pala­wan ang beach resort dahil gustung-gusto raw dito ni Willie. Kapag gusto niyang mag-unwind, mag­pahinga at mag-alis ng stress ay nagba­bakasyon siya sa Palawan kasama ang Wowowin staff at mga host-dancers niya sa show.

Kahit two days lang na pahinga sa beach ay nari-recharge na ang comedian-TV host. Ganadung-ganado na namang sumabak sa pagho-host ng kanyang game show.

At ngayong mas pinili ni Willie ang career kesa pumasok sa political arena, asahan na marami pang inihahandang pasabog ang TV host sa Wowowin.

Maghahanap na rin ang WWW ng mga singing champions via Tanghalan ng Kampeon kung saan fabulous ang papremyo sa grand winner — two million pesos cash, house & lot at brand new car.

Tuluy-tuloy pa rin ang mga regular games ng Wowowin. At ngayong darating na Pasko, tiyak na mag-a-ala-Santa Claus na naman si Kuya Wil sa pamumudmod niya ng cash, cellphone at jackets.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page